Monday, July 30, 2018

Mabuting Kaibigan ng DongYan na si Dax Cua, Generous Rin sa Pamimigay ng Trabaho at Oportunidad



Mukhang bagay na bagay kay Congressman Dax Cua ang kanyang tungkulin bilang Ambassador at Spokesperson ng TAO. Sa kanilang paglilibot sa Misamis Oriental, mainit ang naging pagtanggap ng mga kabataan at mga guro kay Congressman. Sa tangkad na 6'3" at boy next door appeal, nag-standout pa rin si Congressman kahit itinabi pa sa batikang aktor na si Dingdong Dantes na bitbit naman ang YesPH. Ilang taon nang kaibigan ng Quirino Rep. ang mag-asawang DongYan --- Dingdong Dantes at Marian Rivera, na active rin sa kani-kanilang advocacies.

Layunin ng TAO (Trabaho at Oportunidad) na dalhin ang mga kababayan natin mula sa business at educational sector papunta sa isang vgenue kung saan ay magkakaroon ng mix and matching para sa employers na pinakasuitable sa kanila. Although sa ngayon ay local jobs pa lang ay available, open naman sila sa pagkakaroon ng international partners. "Mas gusto nga natin dito makahanap ng trabaho yung ating mga kababayan para hindi sila mahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay."

Naniniwala rin si Dax na dapat may kakambal na pagsisikap at pagsasapuso sa trabaho ang isang layon ng taong makaangat sa buhay para malayo ang marating niya. "Dapat yung trabaho bagay sa iyo. Dapat ung tabaho mamahalin mo. Dapat yung trabaho magbibigay sa iyo ng fulfillment."


Ibinahagi rin niya ang experience niya na mawalay sa isang close family member, ang ate niya na isang UP graduate ngunit nagtrabaho sa ibang bansa sa field ng I.T. Programming. Iginiit niya ito na hindi lang ito tungkol sa sweldo ngunit sa kawalan ng trabaho dito na fit sa field of expertise ng isang fresh graduate ng isang kursong hindi common. "Kung minsan kasi, yung mga naghahanap ng trabaho, hindi pa fit dun sa hinahanap na trabaho dahil wala pa sila nung skill, kaya kailangan natin iyan sa mga training institution, mga TESDA, STI, at iba pa."

Marami nang nagawa para sa kanyang district si Congressman sa kanyang theme na "Healing Quirino" so "Healing Trabaho" ba ang kanyang hatid sa mga Pilipino via TAO? Abangan!

Bisitahin ang https://www.facebook.com/trabahoatoportunidad para sa karagdagang impormasyon tungkol sa organisasyon.



No comments:

Post a Comment