Wednesday, July 25, 2018

PGT Alumna na si Claire Ruiz, Inoperahan ang Ovary; "Nakalaban" Sina Angel Locsin at Maja Salvador



Tubong Angeles City, Pampanga, itong bagong leading lady ni Dinky Doo sa "My Dad, I Hate Drugs" kung saan siya ang leading man ay unang nakilala dahil sa kanyang performance bilang si Hanna Montana noong PGT Season 1, taong 2010. Labindalawang taong gulang palang siya at ang gamit ng Half-Australian na dalaga ay ang full name niya na Claire Ruiz Hartell.

Noong una ay inakala nila na ang stomachache niya ay dulot ng kabag. "Tas nung 3rd day, sobrang sakit na talaga. Hindi ako makatulog nang nakahiga," paglalahad ng dalaga. 

Buong akala ng mga doktor ay appendicitis ito nang isinugod siya dahil yun ang usual case na naeencounter nila pero laking gulat nila kasi nang operahan nila si Claire, ayon na rin sa pagmwemwestra ng dalaga, ay may cyst sa ovary niya na kasinlaki ng magkapatong na kamao.

Thankful ang dalaga dahil bigatin ang mga nakalaban niya para sa role gaya nina Angel Locsin, Maja Salvador, Kim Domingo, at Angelica Panganiban. Samantala, ang actor-director na si Dinky Doo at naikwento na si Elwood Perez dapat ang direktor pero dahil nga nahihiya siya sa caliber nito at limited ang budget nila, minabuti na lang niyang gawing creative consultant si Direk Elwood.

Alay niya ang pelikulang ito sa Panginoong Diyos dahil isinalba siya sa masasamang bisyo niya dati. "I'd rather choose to die kesa bumalik sa buhay ko dati," say ni Dinky.

Ang "My Dad, I Hate Drugs" ay magshushoot na soon. Kasama rin dito ang Singaporean sensation na si Tori Garcia pati na rin ang 2 new fresh faces na malamang ay makasama sa regular talent pool sa mga susunod pang Dinky Doo films.

No comments:

Post a Comment