Magkaiba man ang kanilang main focus bilang mga alagad ng sining, di maikakailang ibang level ng characterization ang ibinigay ng actresses na ito para sa kanilang roles. Kilalang musician si Bayang samantalang laman ng iba't -ibang teleserye si Gilleth.
Wagi si Bayang Barrios para sa kanyang role sa pelikulang likha ng isang Kagay-anon filmmaker na si Julienne Ilagan, ang Kauyagan. Pinatanda siya dito at castmates niya ang mga musikerong sina Jeff Bringas at Waway Saway na Mindanao at Lumad heritage ang pinagmulan.
Samantala, si Gilleth Sandico, na beterana na sa teatro at telebisyon, ay ang title role sa Sol Searching, bagaman supporting talaga ang labas ng karakter niya sa pelikulang pinagbibidahan ni Pokwang. Dark comedy ito ni Roman Perez, Jr. at tulad ng nangyari sa karakter ni Lou Veloso sa Requieme! na past Cinemalaya film, namatay ang character ni Gilleth na si Sol at si Pokwang ang pangunahing tumulong para makuha ang katawan niya at tuluyan siyang maipalibing dhail hindi na nga makontak ang mga kamag-anak niya.
Best Picture:
"Tanabata's Wife"
Second Best Picture:
"1957"
Third Best Picture:
"Alimuom"
Best Director:
Choy Pangilinan, Lito Casaje and Charlson Ong, "Tanabata's Wife"
Best Actor:
Miyuki Kamimura, "Tanabata's Wife"
Best Actress:
Mai Fanglayan, "Tanabata's Wife"
Best Supporting Actor:
Richard Quan, "1957"
Best Supporting Actress:
Bayang Barrios, "Kauyagan" and Gilleth Sandico, "Sol Searching"
Best Story:
Hubert Tibi, "1957"
Audience Choice:
"Sol Searching"
Best Screenplay:
Charlson Ong, Mao Talas, Choy Pangilinan and Juan Carlo Tarobal, "Tanabata's Wife"
Best Cinematography:
Nap Jamir, "Tanabata's Wife"
Best Editing:
May-i Padilla. "Tanabata's Wife"
Best Sound:
Immanuel Verona," Mga Anak Ng Kamote"
Best Production Design:
Martin Masadao. "Tanabata's Wife"
Best Short Film:
"Panginoong May Lupa"
Second Best Short Film:
"Kaluguran Da Ka, Ma"
Third Best Short Film:
"Tahanan Ng Isang Magsasaka"
Ang festival director na pumalit sa namayapang si Direk Maryo J. delos Reyes ay ang theater and film actress-director na si Bibeth Orteza. Ito ay brainchild ni Dr. Milagros Ong-how na may-ari ng Universal Harvester, Inc.
Huling 2 araw na ng Tofarm Film Festival 2018 (TFF) mamaya at bukas kaya sugod na sa mga sumusunod na sinehan: Greenbelt 1, Trinoma, SM Megamall, SM Manila, Gateway, Gaisano Davao, and Ayala Legazpi (Bicol).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa https://www.facebook.com/TOFARMFilmFest.
No comments:
Post a Comment