Tuesday, September 24, 2019

Super Tekla, Convincing na Straight Guy sa Kiko en Lala




Kung si Ken Chan na isang hunk ay gumanap dati na isang trans sa kanyang launching role bilang Destiny Rise ay maaari rin itong mangyari sa kabaligtaran. Sa kasong ito, si Super Tekla na pamilyar sa karamihan dahil sa top rated na The Boobay and Tekla show o TBATS ay dalawang role ang ginanapan sa Kiko en Lala, isang bakla at isang straight guy.

Ang istorya ay umiikot sa conjoined twins na inampon ng presidente ng perya at may love interests na mga katrabaho nila sa katauhan nina Kim Domingo at Derrick Monasterio. Magkakaproblema nila sa pagshift ng balance of power sa perya at sa pagpasok sa buhay nila ng misteryosang babaeng ginaganapan ni Ai-Ai delas Alas. Bagaman maganda ang relasyon nilang magkapatid at mahal nila ang isa't-isa ay kakailanganin nilang harapin ang mabibigat na desisyon para maresolve ang challenges na kakaharapin nila.

Siguro kung hindi ako lumaki sa Pilipinas at hindi ako familiar sa background ni Manny Pacquiao ay aakalain kong magkamag-anak sila ni Kiko though mukhang dun naman talaga pineg ang character niya. Kuhang-kuha niya ang nuances ng isang chickboy na mala-tambay sa kwarto at gwapong-gwapo sa sarili. Makikita mo talaga ang pagnanasa ng character niya sa malasutlang kutis ni Kim Domingo lalo na sa eksenang nagkakainan sila...ng lechon.

Notable ang cameo nina Rita Daniela at Ken Chan sa umpisa bilang mga magulang nila pati na rin si Clint Bondad na dalawang ages amg ginanapan sa magkasunod na eksena.

Ang Kiko en Lala ay mapapanood simula bukas, September 25, in cinemas nationwide.

No comments:

Post a Comment