Monday, December 16, 2019

Coco Martin Nagsuot ng T-back Para Kay Jennylyn Mercado



Photos by Beranrd Santos / My Movie World

A few days ago ay ginanap ang grand presscon sa luxurious na Luxent Hotel at doon ay walang kiyemeng ikinwento ni Coco ang challenges at bagong experience niya sahil sa 3pol Trobol: Huli Ka Balbon, ang official entry ng kumpanya niya na CCM Film Production para sa 45th MMFF na siya rin ay nagdirek at credited siya bilang Rodel Nacancieno.

Naririyan yung nagsuot siya ng corset para maging mas hubog babae ang kanyang katawan habang siya ay nagpapanggap na si Paloma, ang nawalay na half-sister ni Trina (Jennylyn Mercado), para makalapit sa anak ng kanyang boss. May isang eksena kung saan kailangan nilang magswimming at dahil nga hindi naman nagbibilad ng katawan si Jen sa pelikula ay habang nagcoconceptualize sila ay binanggit ni Coco na magsusuot siya ng t-back at pinaninindigan niya ito nung shoot na mismo. "At yun yung babayaran ng mga tao," pabiro niyang dugtong.

Ang 3pol Trobol: Huli Ka Balbon ay tungkol sa istorya ni Apollo 'Pol' Balbon (Coco Martin) na anak ng single mother na si Mary Balbon (Ai ai delas Alas). Bilang bodyguard ng Executive Director ng National Defense Agency, naipit si Pol bilang major suspek sa pagkakaambush ng kanyang boss. Lingid sa kaalaman ng lahat, naisiwalat pa sa kanya ng kanyang boss ang mga katiwaliang nagaganap sa ahensya bago ito namatay.




Kamusta naman ang pagkakaibigan nila ni Vice Ganda ngayong magkakatapatan muli sila as box office draws?

"Wala naman akong usyu sa kung sino'ng #1...sino'ng #2. Di ba, iisipin mo pa ba yun sa dami ng ano. Basta sabi ko nga, siguro naman, dapat kinakabahan ako ngayon," sambit niya.

Isa sa bagong achievement ni Coco sa pelikulang ito ay napagsama-sama niya ang seasoned Kapuso at Kapamilya stars pati na rin ang mga malalakas sa Youtube tulad nina Sam Milby, Edu Manzano, Tirso Cruz III, Joey Marquez, Carmi Martin, Mitch Valdes, John Prats, Jojit Lorenzo, Mark Lapid, Bianca Manalo, PJ Edrinal, Super Tekla, Boobsie Wonderland, Marc Solis, Lester Llansang, John Medina, Donna Cariaga, Noong Ballinan, Joven Olvido, Sancho delas Alas, Bassilyo, Smugglaz, Happy, Soliman Cruz, Jhong Hilario, Ping Medina, Kim Molina, Pepe Herrera, Long Mejia, Lou Veloso, Marissa Delgado, Whitney Tyson, Bernard Palanca, Ali Khatibi, Paolo Paraiso, Ivana Alawi, at Yorme Isko Moreno in a special role.

Mapapanood ito starting December 25 in cinemas nationwide.




No comments:

Post a Comment