Monday, February 10, 2020

Centerstage NG GMA 7 Pinakaba si Alden Richards?



"Hindi po mawawala Yan [kaba] eh. Kasi pag nawala yan, masyado ka nang confident, masyado ka nang tiwala sa sarili mo. Parang for me it's the death of an actor or a performer in whatever field," pakli ni Alden Richards nang tanungin kung di na ba siya kinakabahan sa limelight dahil bahagi siya ng Eat Bulaga at All Out Sundays.

Isa siya sa hosts ng bagong show na Centerstage ng GMA 7 na magsisimula ngayong February 16 kung saan ka-tandem niya si Betong Sumaya magpasaya. Ito ay napapanood every Sunday sa primetime slot. Kasama as panelists ang nagbabalik sa Kapuso network na si Concert Queen Pops Fernandez, ang seasoned composer-arranger na si Mel Villena, at ang powerful singer na si Aicelle Santos formerly with La Diva.

7-12 years old ang edad ng mga kalahok from all over the country at depende SA performance nila ay magmomove sila forward o backward. Ang goal siyempre ay makarating sa center stage. 


"Overconfidence comes from being too full of yourself, yung feeling mo kaya mong gawin lahat. So, pag wala nang kaba, wala nang growth," dagdag ng binata.




Tutulungan ang panelists ng isang lupon using their fan voting capabilities to help them decide kung sino ang karapatdapat pero sa mga hurado pa rin ang final sey.

Meron ding psychologist on the set para iensure ang mental wellness ng contenders pati ng parents nila as they face each other every Sunday sa Centerstage ng GMA 7. Ang show ay ididirek ni Louie Ignacio na siya ring naghelm ng Sunday Pinasaya.





No comments:

Post a Comment