Friday, February 21, 2020

Pelikula ni Jay Altarejos tinanggal sa Sinag Maynila Film Fest



Matapos ang grand presscon last week ng Sinag Maynila Film Fest 2020, nagkaroon ng announcement ang naturang film fest kaninang 7pm, na hindi na kalahok ang pelikula ng direktor na si Jay Altarejos.

Maraming nagulat sa biglang pag-pullout ng pelikula dahil hindi raw ba ito nakita sa screening pa lang. 

“Walang Kasarian Ang Digmang Bayan” ay anti-Duterte film na pinagbibidahan nina Rita Avila, Sandino Martin, Arnold Reyes, at Oliver Aquino. 

Matapang ang pelikula lalo na sa trailer pa lang nito na may linya si Rita na “Ako mismo ang papatay kay Duterte!”



Sa inilabas na statement ng Sinag Maynila, sinabi nila na:

“After thorough review, found that there is substantial deviation from the submitted and approved script and that the film is no longer a faithful representation of the approved screenplay.”

Ngunit narito naman ang pahayag ng publicist ng pelikula na si Josh Mercado.




Tumawag daw sa kanya ang direktor na si Jay Altarejos tungkol sa pagtanggal ng pelikula bilang official na finalist sa Sinag Maynila Film Fest. Kwento n’ya, pinatawag ang direktor noong Huwebes (February 20), mga bandang alas singko. Pinaginitan ni Brillante Mendoza, ang festival director ng Sinag, ang pelikula ni Jay dahil sa mensahe nito. Katuwiran ni Mendoza, may mga tumawag daw sa kanila na investors ng Solar, ng Sinag na nagpahiwatig na hindi nagustuhan ang mensahe ng pelikula. Binigyan ng options si direk Jay. Pinapa-reshoot din ang ibang eksena. Mukhang noong presscon pa lang ng Sinag, hindi na nagustuhan ni Mendoza ang film lalo na ang trailer at ang pagsusuot ni direk Jay ng t-shirt ng ABS-CBN. Noong nire-review ang pelikula, hindi raw pinanood ni Mendoza ang buong film. ‘Yan ang mga nakuwento n’ya sakin. Kilala naman natin si direk Jay na may pinaglalaban ang pelikula. Walang makakadikta sa kanya. Gusto lang n’yang magkwento. Magkwento na makatotohanan. Lagi pa naman s’yang nananalo ng awards sa Sinag. Ngayon, mukhang mainit sa kanya si Brillante.

No comments:

Post a Comment