Saturday, December 10, 2016

Real Florido, Confident sa Quality ng Nora Aunor Starrer na Kabisera



“Kung ano yung nakita ng jury, parang sa tingin ko mas malaki pa yung inimprove niya from that point to here. Ang reflection ko dun siguro destined na makapasok yung film namin this year,” pagmamalaking sabi ni Real Florido, director ng Kabisera, ang MMFF 2016 entry na pinagbibidahan ni Ate Guy. Aniya ng director kaya ito ang napili niyang plot: “Ang pamilya ang pinakaimportanteng kayamanan na mayroon ang Pilipino. Sa bagong hakbang ng MMFF ngayon na magbigay ng higit na makabuluhang pelikula sa industriya, naisip naming na bakit di tayo gumawa ng istoryang malapit talaga sa puso ng bawat Pinoy. We’re talking about value, and, what’s more valuable for us Pinoys than the family?”




Ang pelikula ay base sa mga totoong pangyayari sa buhay ng isang pamilya sa Batangas, at ang nauupo sa kabisera, na considered seat of power ng isang angkan. Karamihan sa cast members bukod kay Nora Aunor ay seasoned na sa pag-arte gaya nina Ricky Davao, Menggie Cobarrubias, Victor Neri, Ces Quesada, at Perla Bautista. Ang iba naman ay may ilan na ring nagawang projects na umani ng papuri mula sa mga kritiko tulad nina Jason Abalos, Karl Medina, Kiko Matos, at Ronwaldo Martin. Ang fresh faces ng indie na sina Coleen Perez, RJ Agustin (na producer din ng nasabing pelikula), at Alex San Agustin ay malalaki ang roles sa pelikula.




Napapanahon ang political family drama na ito dahil nga uso sa ating bansa ang extrajudicial killings. Last year ay isinali na ito noong screenplays pa lang ang ipinapasa at hindi pa finished films ang basehan. Nareject ito ng selection committee pero first choice talaga si Nora kasi siya na ang nakacast sa mga panahong ito. Malayung-malayo ang tema nito sa 1st ko si 3rd, ang unang feature film ni Real na naglagay sa kanya sa mapa ng film community. Ito rin ang una nilang partnership ni RJ, na siya rin niyang nakasama sa kanyang short film na Chicken (2015) bukod pa rito.





“Inaanyayahan naming ang publiko na umupo sa mga sinehan ngayong Pasko bilang simbolo ng pagtayo para sa pelikulang Pilipino,” hamon ni RJ. Makikita ang karagdagang impormasyon para sa pelikula sa www.facebook.com/kabisera at www.firestartersmanila.com/kabisera.



No comments:

Post a Comment