Magsasara na ang telon sa huling palabas bukas ng
Muslim adaptation ng Romeo and Juliet sa ilalim ng iskrip at direksyon ni Dr.
Ricky Abad ng Tanghalang Ateneo. Ang produksyong ito ay nagsimula nung 2011 at
ngayong 2016 ay may limang espesyal na pagtatanghal sa Pilipinas matapos nitong
libutin ang iba’t-ibang lugar sa Asya. Sa orihinal na palabas ay 25 actors at
at 12 musicians ang kasama samantalang ngayon ay 7 actors at 4 musicians, na
sinusunod ang pormat ng isang international festival.
Tampok
dito sina Natasha TaƱada (Jamila), Kalil Almonte (Rashiddin), Charles Yee (Imam
/ Datu Pian-dao), Brian Sy (Taupan), Jacinda Lopez (Gng. Kalimuddin), Joe-Nel
Garcia (Badawi / Mensahero / Mambabarang), at Gel Basa (Lakambini / Rosmawatti
/ Dalagang Kalimuddin). Katuwang sa paggawa ng teksto sa pagtatanghal si Guelan
Luarca habang katuwang naman sa direksyon si Matthew Santamaria, na siya ring
gumawa ng choreography. Ang ginamit na disenyo ng entablado ay sa namayapang henyo
na si Salvador F. Bernal at si Edru Abraham naman ng Kontra-gapi ang naglapat
ng musika.
Ang setting ng istorya ay sa Sampoearna, isang bayang Muslim
na halaw sa kathang isip. Ang narrative ay hitik sa dance, song, drama, at live
music. Ang sayaw ay base sa igal, isang tradisyonal na pormang galing sa Sama
Bajau ng Tawi-Tawi. Ang iskrip ay kombinasyon ng awit ni G.D. Roke na Ang
Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo pati ang translation ni Rolando
Tinio ng akda ni William Shakespeare.
Sintang
Dalisay will
continue to run on the following dates:
December 10 | 7:30 PM
December 11 | 11 AM and 3 PM
at the Rizal Mini-Theater, Ateneo de Manila University
Please contact Lucian Jimenez at 0917-843-1400 for ticket rescheduling.
December 10 | 7:30 PM
December 11 | 11 AM and 3 PM
at the Rizal Mini-Theater, Ateneo de Manila University
Please contact Lucian Jimenez at 0917-843-1400 for ticket rescheduling.
For purchase on TicketWorld: bit.ly/
For reservations: bit.ly/
No comments:
Post a Comment