Bago umpisahan ang birthday party ng tinaguriang
“Queen of Independent Films” producer
na si Baby Go ay pinakilala ang kanyang ika-12 na pelikulang
naprodyus under her BG Productions
International. Eto ang OFW drama film na Balatkayo na pinagbibidahan ng
Kapamilya actress na si Aiko Melendez, at ang main cast din na sina Polo
Ravales, Nathalie Hart, Rico Barrera at James Robert. May significant
supporting roles sina Melissa Mendez, Kristine Barreto, Vangie Labalan, Lui Manansala,
Ernie Garcia, at Jess Evardone. Ito ay mula sa panulat ni Jason Paul Laxamana at
sa malikhaing direksyon ni Neal Tan.
Sa pelikulang Balatkayo, malalim na tinalakay ang buhay
ng mga OFW na nagta-trabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng maayos na kinabukasanan
ng kanilang pamilya. Sa paghahangad na makaangat ang estado sa buhay ay
nasasakripisyo ang pamilya at nasisira dahil sa kalungkutan, tukso at distansya
sa isa’t-isa. Ang kaisa-isang anak (played by James Robert) nina Aiko Melendez
(OFW sa Singapore) at Polo Raveles (OFW sa Dubai) ay masasangkot sa sex-video
scandal.
Malalaman sa istorya na matagal na palang sira ang pagsasama
nina Aiko at Polo dahil sa pagkakaroon nila ng relasyon sa mga kapwa OFW (played
by Nathalie Hart and Rico Barrera). Ginastusan ang Balatkayo kung saan
nag-shooting sa iba’t-ibang lugar kagaya ng Dubai, Abu Dhabi at Singapore. May
mga mapangahas na eksena pero siguradong kapupulutan ng aral. Mauunang mapanood
ang Balatkayo
sa mga bansang Bahrain, Dubai, Abu Dhabi at Singapore bago magkaroon ng regular
na pagpapalabas sa Pilipinas.
Binigyan ng award si Baby Go bilang “Most Outstanding Filipino In the Field of
Independent Cinema Productions and Aesthetics” ng Gawad Amerika at “Outstanding Independent Producer” ng
World Class Excellence Japan-Philippines Awardee. Patuloy sa paghakot ng award
ang mga pelikula ng BG Productions sa ika-15thGawadTanglaw
Awards mula sa dalubguro at akademya galing
sa ibat’ibang unibersidad ay itinanghal na Best Actor si Allen Dizon ( Iadya Mo
Kami), Best Supporting Actress si Aiko Melendez ( IadyaMoKami), Special Jury
Prize ang “Area”, Best Children Film ang “Child Haus”, Student Choice award for
Best Film ang “Laut”, Best Editing si Gilbert Obispo sa “Area” at Best
Production Design si Cyrus Khan saLaut.Ang “Area” ni Louie Ignacio ay
nakatakdang mag-compete sa tatlong prestihiyosong International Film Festival
sa Amerika sa darating na Marso at Abril.
Masaya ring pinahayag ng “lady producer” ang mg anaka-linyang
proyekto ng BG Productions International for 2017.kagaya ng “horror film” ng
Italian Director nasi Paolo Bertola, isang all-out-comedy pero satire on
environmental problem ni Joel Lamangan, “horror ghost story” ni Mel Chionglo na
pagbibidahan ng isang premyadong veteran actress, ang Nuclear Family ni Jason
Paul Lxamana at posibleng Cinemalaya project ni Louie Ignacio. Siniguro rin ni
Ms. Baby Go na kung papalarin ay isasali niya ang anumang pelikula niyang matapos
sa taunang MMFF.
Dinagsa ng malalaking artista, mga malalapit na kaibigan
from Chinese Chambers Group, NBI, Pards Manila, mga”film director”,
“movie staff & crew” at “media people” ang birthday party ni Ms. Baby Go na
ginanap sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.
*Photos from BG productions except the last two.
No comments:
Post a Comment