Monday, September 16, 2019

Ang Alamat ng Jowable at ng Madreng Nagsasarili








June 14 last year ay nayanig ang Facebook dahil naging isang viral hit ang Jowable, na short film ni Darryl Yap starring Jobelyn Marie Manuel. Monologue eto ng isang babaeng lasing at umiinom sa loob ng simbahan habang tinatanong ang Diyos kung bakit wala pa siyang boyfriend kahit na "jowable" (girlfriend material) naman siya. Umani ito ng mahigit 9 million views sa FB at around 4M sa ibang social media platforms, kaya ang total ay nasa 13M. Ito ay pinublish sa page na Vincentiments, na ipinangalan sa writer ng Subic-based group na si Vincent L. Asis. Ang tawag sa series ng short films nila ay Sawakas, kung saan karamihan ay monologues written for the stage na inadapt into films.

Sa loob ng parehong taon ay pumirma ng kontrata sa Viva si Darryl, at ngayon ngang September 25 ay ipapalabas sa cinemas nationwide ang kanyang directorial feature film debut na Jowable starring Kim Molina. Kasama sa pelikula ang real-life boyfriend niya na si Jerald Napoles, pati ang original actress as one of her friends sa film. Sina Candy Pangilinan, Kakai Bautista, Cai Cortez, at Chad Kinis ay kasama sa supporting cast.




Hindi na bago kay Kim Molina ang makatrabaho si Darryl dahil lumabas na siya sa KPL (Kung Pwede Lang) 3 na pinamagatang Bossaboss. Ito naman ay series of short films under the Vincentiments brand kung saan ay may imaginary monologue ang character kung saan inilalabas niya ang hinaing niya sa isang taong nakatataas sa kanya sa lipunan. Sa scenario na ito, si Kim ay isang empleyada na napuno na sa kanyang demanding na boss.

Ang Jowable ay umiikot kay Elsa, isang 30-something na NBSB (No Boyfriend Since Birth) kahit na siya ay kwela, sexy, at may itsura naman. Kahit na minsan ay nawawalan siya ng control sa pag-inom ay marami siyang good qualities to make up for this. Iniisip niya kung ano'ng meron ang nanay niya (Kakai Bautista) na nagpapalit ng boyfriend na para lang nagbibihis pati na rin ang kanyang BFF 
(Cai Cortez) na wala siya. 

Kahit na suportado ng friends niya ay hindi pa rin maiwasan ni Elsa na mainggit tuwing makakakita siya ng couple. Sa wakas, makakilala siya ng isang lalaki at magcliclick sila pero it remains to be seen kung siya nga ang magbibigay ng kaligayang hinahanap niya.

Isa sa mga challenging nilang shinoot ay ang eksena kung saan tatanungin ang madre (Candy Pangilinan) kung nagsasarili ba siya. "Actually, tinanong ko din si Direk. Direk, hindi ho ba tayo matitira ng religious organizations? Sabi niya, Candy, eto yung script," paglalahad ng actress. Umuulan kasi sa Olongapo kung saan shinoot ang buong film bukod sa concern sa magiging reaction ng mga conservative.




Unang nagshoot ng short film si Darryl noong 2017 at ang pamagat nito ay Squatterina. Nascreen ito sa North Luzon Film Festival kung saan nagwagi siya as Best Director. Ilan pa sa award-winning films niya ay ang Oyayi, Bago ako Lumipad, at Ellipsis.

2013 ang professional theater debut ni Kim Molina bilang cast member ng Disney's Tarzan. Big break ng kanyang career sa entablado ang pagganap bilang Aileen sa Rak of Aegis in 2014 kung saan nagkadevelopan sila ni Jerald na Tolits naman ang role. 2016 ang unang sabak niya as part of the main cast sa Camp Sawi. Taong 2017 nang manalo siya sa 2017 Awit Awards for Best Performance by a Female Recording Artist para sa Nalululuha Ako, ang debut single niya under Viva Records.

Ang recent projects niya ay bilang lead actress sa Momol Nights, isang iWant film, pati na rin bilang isang regular sa hit teleserye na Kadenang Ginto, as Savanna na BFF ng antagonist na si Daniela Modragon.



Last March ay nirelease ang book version ng Jowable at instant hit din ito. Bago ang September 25 na opening date nito ay may free special advance screening ito sa UP Cine Adarna ng 5pm. 4pm ang registration on a first come, first served basis. 



No comments:

Post a Comment